top of page

Shoutout sa mga parent na ini-spoiled ang kanilang mga anak... TIPS PARA MALIMITAHAN SINA BAGETS SA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 30, 2019
  • 3 min read

SOBRANG mo­derno na ng panahon natin ngayon kung saan la­ganap na ang tek­no­lohiya, mapa­bata o ma­tanda man ay na­huhu­ma­ling o naa­adik sa pag­gamit ng gadgets.

Sa totoo lang, karami­han sa mga bata ngayon ay mas nauuna pang makahawak ng gadget bago matutong mag­salita.

Ayon sa research ng Com­mon Sense Media noong 2013, ang mga batang may edad walo pababa ay nag­la­laan ng 15 minuto kada araw na pagtutok sa mobile screen. Nasa 42% din ng mga batang may edad walo pa­baba ang mayroong sariling electronic devices, kaloka!

Kaya naman, bago pa tayo tuluyang makain ng sis­tema ng teknolohiya, na­rito ang ilang mga paraan para matulungan nating hu­wag maadik sa gadgets ang ating mga bagets:

1. SET AN EXAM­PLE. ‘Ika nga, ang ginagawa ng matatanda ay tama sa pa­ningin ng mga bata. Bilang na­katatanda, tayo dapat ang magsilbing good example sa kanila, halimbawa, tayo mis­mo ang lulubay o maglili­­mita sa paggamit natin ng ating cellphone, tablet, lap­top at iba pang “techie thingy”. Kung hindi tayo ma­kikita ng mga bata na guma­gamit ng gadget, eh, for sure, hindi rin sila magkakaroon ng ideya na gumamit nito.

2. ENCOURAGE OUT­DOOR ACTIVI­TIES. Isa ito sa pinakaimportante at pinakaepektibong paraan para hindi dumepende sa tek­nolohiya ang mga bata. ‘Yung tipong mobile games lang ang alam nilang laruin, naku!

Makabubuti kung baba­gu­hin natin ang perspective ng mga bata tungkol sa pag­lalaro. I-encourage natin si­lang maglaro sa labas kasama ang mga kapatid, pinsan o kapitbahay para magka­roon sila ng interaction sa ibang tao. Maaari rin tayong mag-isip ng mga aktibidad na puwedeng gawin nang mag­kasama tulad ng baking, pag­lilinis ng bahay o pagpunta sa palengke o mall.

3. INDULGE IN AC­TIVITY BASED LEAR­NING. Kinakailangan na­ting ipaintindi sa mga kabata­an ang kahalagahan ng acti­vity-based learning kung saan malaki ang posibilidad na mas matuto sila kaysa ubu­sin ang oras sa kanilang “vir­tual world”. Karamihan sa mga bata, gadget ang pangu­nahing source ng entertain­ment. Marahil, sa ilan, eh, wala nang appeal ang mga nakagisnan nating laruan, kumbaga, hindi ito kasing mo­derno tulad ng “candy crush”, “4 pics in 1 word”, “Bu­­badu”, “Duck Duck Moose”, “Intellijoy” at iba pa. Bagama’t, napa-practice ang kanilang diskarte at na­tutuwa sila, hindi magandang makasanayan ng mga bata ang mobile games. Sa nga­yon, napakaraming activity-based learning ang puwedeng i-try ng mga bata tulad ng pagdo-drawing, pagba-bike, pagsasayaw, taekwondo, camping, fun run at iba pa.

4. CREATE A HEAL­THY GADGET USAGE SCHEDULE. Kung ang ating mga anak ay hindi na­man ganu’n kabata o malapit na sa teenage stage. Oks lang na gumamit sila ng mga electronics device, ngunit, mahalagang mayroon silang limitasyon. Maaari tayong gumawa ng schedule sa pag­gamit nila ng computer o bigyan natin sila ng time al­lowance. Isang paraan ito para madisplina sila at ma-balance nila ang buhay at hin­di lang puro gadget ang ka­nilang aatupagin.

5. KEEP AN EYE ON THEIR GADGET U­SAGE. Ilagay natin ang kanilang computer set o laptop sa living room imbes na sa ku­warto nang sa gayun ay mas mamo-monitor natin ang ka­nilang mga pinagkakaaba­lahan sa social media, gayun­din, ang mga laro na kanilang pinaggugugulan ng oras.

Ma­halaga rin na magka­roon tayo ng ideya sa mga ito at maki­lala natin ang ka­nilang mga nakasasalamuha sa internet, pero tandaan, hu­wag tayong masyadong OA at bigyang-respeto pa rin natin ang ka­nilang privacy, okidoki?

Marahil, malaki ang na­itutulong ng teknolohiya sa buhay ng bawat isa, lalo na at napakabilis na talaga ng panahon kung saan tunay na mapag-iiwanan ta­yo kapag babagal-bagal ang ating ki­los. Gayunman, tan­daan natin na mayroong ka­lakip na responsibilidad ang pag­gamit nito, lalo na sa mga bata. Huwag natin itong ga­miting pang-uto para tumigil sila sa pag-iyak, pagta-tan­trums at pangungulit.

Tayo ang nakatatanda, kaya tayo ang nakaaalam at mayroong kontrol sa mga ga­nitong bagay. Gabayan natin sila upang sa kanilang pag­laki ay maging mabuting mi­yembro sila ng ating society. Copy?

1 Comment


Mary Casey
Mary Casey
a day ago

College & Career Readiness. Xello: Beginning with the 2024-2025 year, Xello is replacing Naviant as the district’s college and career planning platform, largely. Students use it to create portfolios, take career interest assessments and monitor graduation requirements. FloridaShines: A state-funded mechanism for monitoring progress towards “Bright Futures” scholarships and researching requirements of universities in Florida. College Board: Access to AP (Advanced Placement) Classroom materials & PSAT/SAT scores.

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page