top of page
Pokwang.jpg

Sanhi ng pagmumuta ng mga sanggol

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 30, 2019
2 min read

Dear Doc. Shane,

Nanganak ang aking kapatid sa kanilang panganay isang buwan pa la­mang ang nakalilipas. Napansin kong nag­mumuta ang mga mata ng aking pa­mang­kin kahit hindi naman ito bagong gising. Normal lang ba ito sa ganitong edad? Hindi naman ito mapula ngunit, ang problema ay halos matakpan na ang kanyang mga mata at nagdidikit ang kan­yang mga pilikmata dahil dito. Ano ang mabuting gawin dito? — Virgie

Sagot

Karaniwan ang pag­kakaroon ng newborn eye discharge o pag­mumuta pagkapanganak kay baby o sa mga unang linggo ng kanyang buhay. Isa ito sa mga kondisyon na gumaga­ling at nawawala kahit walang paggamot. Ba­ga­mat, may mga pag­kakataon na kina­kailangan ng atensiyon at opinyong-medikal.

Maaaring pagmasdan kung mayroong mga sintomas. Mapapansin agad kung may pagmu­muta o newborn eye discharge ang sanggol na kapapanganak pa lamang.

Iba-iba ang sanhi o dahilan kaya nagka­karoon ng ganitong kondisyon ang mga mata ng sanggol.

Narito ang ilan sa mga sanhi nito:

  • Baradong tear duct — tinatayang 50% ng mga bagong panga­nak na sanggol ay nagkakaroon ng newborn eye discharge dahil sa baradong tear ducts. Matubig ang mga mata kaya tumutulo ang luha kahit hindi naman umiiyak.

Mayroon ding mga namumuong tuyong luha sa sulok ng mga mata dahil hindi naila­labas kaya nagiging madilaw o tinatawag na muta o sleep crust. Kung hindi mapula o wala namang pink eye, walang dapat ikabahala ngunit, kapag nababad nang matagal ang mga mata at hindi dumadaloy ang luha, maaari itong maimpeksiyon.

  • Normal na discharge — minsan ay may kaunting discharge mula sa mga mata dahil sa mucus na nabuo mula sa maruming mga kamay na naikamot o naikusot sa mga mata. Gayunman, napupu­nasan ito agad at walang kailangang gamot.

  • Napuwing o may pumasok sa mga mata — may mga pagkaka­taon namang napupu­wing ang bata o may mga maliliit na bagay tulad ng buhangin o alikabok ang napupunta sa mga mata ng bata. Kung hindi ito agad maaalis, magkaka­roon ng reaksiyon ang mga mata at may inilalabas na mucus o maaari rin itong maging sanhi ng impeksiyon.

  • Bacterial conjunctivitis — ang kondisyong ito ay bacterial infection sa mga mata. May lumalabas na nana na naghuhudyat ng impeksiyon. Nagkaka­dikit-dikit ang mga pilikmata ng bata at halos hindi na maidilat ang mga mata.

Gayunman, para makasigurado, dalhin agad sa doktor ang sanggol para malaman ang kondisyon at mabigyan ng gamot kung kinakailangan.

Mahalagang masi­guro na wala itong impeksiyon at magamot ito kaagad.

Narito ang ilang paunang-lunas para maibsan ang kondis­yon o maiwasan ang paglala nito:

  • Punasan ang ma­dilaw o namuong dis­charge sa mga mata ng bata gamit ang malam­bot at malinis na pamu­nas na binasa ng mali­gam­gam na tubig. Da­han-dahang masahi­hin ang tear ducts para matanggal ang bara. Ito ang bahagi ng mga mata na nasa sulok, sa bandang ibaba, malapit sa ilong. Siguraduhing malinis ang mga daliri kapag ginawa ito. Ulitin ito ng hanggang 6 na beses kada araw.

Ang mga nabanggit sa itaas ay mga alterna­tibong paraan lamang habang hindi pa naiko­konsulta sa doktor ang kondisyon ng sanggol. Sundin ang payo ng doktor at huwag kalig­taan ang mga inireseta o ibinibigay na gamot.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page