top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

SAN JUAN, PASOK NA SA CHAMPIONSHIP NG MPBL

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 30, 2019
1 min read

TINAPOS ng San Juan ang Quezon City sa bisa ng 106-81 na panalo noong Huwebes ng gabi para umusad sa championship round ng MPBL Datu Cup North Division.

Naasahan ng Knights sina veterans Mac Cardona at John Wilson upang sipain ang Capitals palabas ng serye. Winalis ng San Juan ang karibal sa best-of-three semifinals series at hinihintay na lang sa ngayon ang magwawagi sa pagitan ng Bataan at Manila sa do-or-die showdown nila sa Lunes.

Napanatiling buhay ng Manila ang kontensiyon nang talunin ang Bataan, 80-76 sa iba pang laro dahil sa dinobleng depensa at palamyain ang Risers para sa pakay na division finals ng torneo na inilunsad ni Manny Pacquiao at commissioner Kenneth Duremdes.

Naging agresibo ang Stars sa depensa nang ibigay nina Chris Bitoon, Mark Lopez at iba pang guards ang pressure sa Bataan.

Nakasungkit ng 6 na agaw ang Manila at napuwersa ang karibal na mag-commit ng 17 turnovers. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page