Sa tikiman sa serye… SOPHIE, TODO-BIGAY KAY ROCCO, 'DI MAGAWA KAY JASON

Nitz Miralles / BIDA

IPINAALAM ng GMA-7 na ang final timeslot ng bagong Afternoon Prime series nilang Bihag ay pagkatapos ng Dragon Lady. Ibig sabihin nito, ibababa ang Inagaw na Bituin at ookupa sa dating time slot ng My Special Tatay.
Lalong mai-excite ang cast ng Bihag dahil ang time slot nila ay napapagitnaan ng Dragon Lady at Inagaw na Bituin. Sabagay, tiwala si Direk Neal del Rosario na magugustuhan ng mga viewers ang Bihag dahil may drama, action, mystery at may sexy scenes courtesy of Jason Abalos at Sophie Albert.
Naloka si Sophie dahil pine-pressure ng mga reporters na isa ang mga eksena nila ni Jason na aabangan ng mga viewers, kaya kailangang mainit daw ito.
Sabi naman ni Sophie, may batang viewers sa time slot nila, kaya hindi sobrang seksi ang kissing scene at bed scene nila ni Jason.
“Mas sexy pa nga siguro ang kissing scenes namin ni Rocco Nacino sa Pamilya Roces dahil primetime ‘yun. Kaya lang, comedy ang treatment sa kissing scenes nila at dito sa Bihag, more mature ang atake niya sa kanyang role,” paliwanag ni Sophie.
Pero, gaya sa Pamilya Roces, gugulatin pa rin ni Sophie ang mga viewers sa mga eksena niya at eksena nila ni Jason. Kung napapanood ang trailer, makikitang mainit na ang mga eksena niya sa dialogue pa lang.





Comments