top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Sa paglabag sa Anti-Dummy Law | MARIA RESSA, INARESTO SA NAIA

June Simon
Mar 30, 2019
1 min read

HINULI kahapon ng umaga sa Ninoy Aquino In­ternational Airport (NAIA) ang chief executive officer ng Rappler na si Maria Ressa dahil sa umano’y paglabag sa Anti-Dummy Law.

Kararating lamang mula sa Estados Unidos ni Ressa lulan ng Philippine Airlines Flight PR105 nang lapitan ito ng dalawang policewo­men at ipinakita ang arrest war­rant na inisyu ni Pasig Re­gional Trial Court Judge Acerey Pacheco.

Si Ressa ay kinasuhan ng paglabag sa Section 2-A of Commonwealth Act No. 108 o Anti-Dummy Law.

Kasama sa mga kinasu­han si Rappler Managing Editor Glenda Gloria at mga miyembro ng 2016 board ng naturang kumpanya.

“This is a travesty of justice. I have done nothing wrong. I am not a criminal. I am treated like a criminal,” ani Ressa.

Hindi umano niya aka­lain na ang pagbibiro niya na aani ito ng maraming arrest warrants ay magkakatotoo.

Ito ang ika-7 kaso na isi­nampa laban sa kanya bilang journalist.

Ang kaso ay nagsimula nang ilabas ng National Bu­reau of Investigation ang reklamo na may kinalaman sa inisyung Philippine De­po­sitory Receipts sa Omid­yar Network, isang Indone­sian company na nag-invest sa naturang online website news.

Itinanggi ito ng Rap­pler na kontrolado ang kani­lang kumpanya ng isang foreign entity.

Una nang nagbayad- piyansa ang anim sa miyem­bro ng Rappler board na nag­kakahalaga ng P90,000 kada tao sa Pasig Regional Trial Court Branch 265 para sa parehong kaso.

Nasa ibang bansa pa si Ressa nang mangyari ito kaya hindi siya nakapaghain ng piyansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page