top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pinto ng kuwarto ‘di mabuksan | 2 SEKYU NG HOTEL TINADTAD NG CUSTOMER

Gina Plenago
Mar 30, 2019
1 min read

SUGATAN ang dalawang guwardiya nang saksakin ng foreigner matapos magalit dahil hindi niya mabuksan ang pinto ng kanyang kuwarto, kahapon sa Makati City.

Gamit ang swiss knife, sinaksak ng suspek sa leeg at katawan ang mga biktimang sina John Rey Salinas at Racky Pernicitas, kapwa nasa hustong gulang, guwardiya ng Red Planet Hotel, Bgy. Poblacion ng nasabing lungsod.

Nakapiit na sa Makati City Police detention facility ang suspek na si Mika Kallio, 41, Finland national at nanunuluyan sa naturang hotel.

Batay sa ulat na natanggap ng hepe ng Makati City Police na si Sr. Supt. Rogelio Simon, naganap ang insidente alas-6:00 ng umaga sa nabanggit na hotel kung saan nagwala ang suspek nang hindi nito mabuksan ang pintuan ng kanyang silid at hindi makalabas.

Agad rumesponde ang mga biktima at nang makalabas ang suspek, dito na sila inatake ng saksak.

Dinala ng rescue team ang mga biktima sa Ospital ng Makati habang agad na dinakip ng mga rumespondeng pulis ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page