Konektado sa socmed campaign manager ni P-Digong | 200 ACCOUNTS, TINANGGAL NG FB

INIANUNSIYO ng Facebook na tinanggal nila ang nasa 200 accounts na konektado kay Nic Gabunada, isang blogger at social media campaign manager ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 elections.
Sa press briefing, sinabi ni Nathaniel Gleicher, Facebook’s head of Cybersecurity Policy, na nasa kabuuang 67 pages, 68 accounts, 40 groups at 25 Instagram accounts ang kanilang tinanggal dahil sa ‘misleading behavior’.
Binigyang-diin ni Gleicher na ang mga taong nasa likod ng aktibidad ay itinatago ang kanilang identities at ipinalalabas na tila independent account ang mga ito pero, batay sa isinagawang imbestigasyon ng naturang social media, nakumpirma na ito ay cluster ng coordinated behavior na linked sa mga network na inorganisa ni Gabunada.
Ang naturang mga account ay ginagamit para mag-post ng local at political news hinggil sa nalalapit na halalan.
Nasa 3.6 million accounts ang follower ng isa o mahigit sa naturang mga Pages, nasa 1.8 million accounts sa isa sa naturang groups at 5,300 accounts ang follower sa isa sa mga Instagram account.
Sinasabing, nasa $59,000 ang ginagastos para sa advertising.





Comments