Ibinebenta sa Facebook | ENDANGERED ANIMALS NASABAT
LIMANG Komodo dragons at iba pang endangered animals ang narekober ng mga awtoridad na umano’y ibinebenta sa Facebook.
Ayon kay East Java Police Spokesman Ahkmad Yusep Gunawan, limang hinihinalang suspek ang arestado sa Semarang at Surabaya.
Napag-alaman na ibinebenta ng mga suspek ang bawat isa sa halagang $1,400 o katumbas ng P73,000.
Gayunman, ang Komodo dragon ay itinuturing na pinakamalaking uri ng butiki sa buong mundo kung saan kaya nitong humaba ng 3m o 10ft. at may matatalas na mga ngipin, gayundin na may makamandag na kagat.
Samantala, umamin ang mga suspek na nakabenta na ang mga ito ng 41 reptiles.
Maaaring maharap sa limang taong pagkakakulong ang mga suspek sa oras na mapatunayang guilty.





Comments