BIGATING FOREIGN GOLFERS SA PHL OPEN, READY ANG NOYPI
- Clyde Mariano
- Mar 30, 2019
- 1 min read

MULI na namang mapalalaban ang mga Pinoy sa bigating golfers galing sa ibang mga bansa kasama ang U.S., Australia, Korea, Chinese Taipei at Thailand sa $500,000 101st Philippine Open Golf simula sa Abril 3 sa The Country Club sa Canlubang, Laguna.
Pangungunahan nina top golfer Jobim Carlos at Jhonnel Ababa ang kampanya ng mga Pinoy kontra mga banyaga sa apat na araw na torneo na pang-5 beses na gagawin sa nasabing golf course sa pinakaprestihiyoso at pinakamatandang golf tournament kung saan gumawa ng pangalan sina Larry Montes, Celestino Tugot, Ben Arda, Luis “Golem” Silverio at Frankie Miñoza.
Hindi sigurado kung makalalaro si dating RP Open champion Juan Miguel Tabuena na kasalukuyang naglalaro sa India. “If he cannot play in India, he will return and compete in the tournament,” sabi kanyang ama si Luigi Tabuena. Ang mga prominenteng foreign golfers ay sina Sam Gillis, Lexus Keoninh, Brett Munson, Cory Oride, Nicholas Paez at American-Korean Micah Shin, David Gleeson, Damien Jordan, at Steve Lawton.
Ang mga hebigat namang local golfers maliban kina Carlos at Ababa ay sina Clyde Mondilla, Tony Lascuña, James Ryan Lam, Jay Bayron at Juvic Pagunsan. Maliban sa regular prizes na nakalaan sa mga kalahok, may premyo sa hole-in-one at course record. Ang torneo ay sinuportahan ng ICTSI at may basbas ng National Golf Association of the Philippines.





Comments