BELGA, CHAMP ULI SA OBSTACLE CHALLENGE


NADEPENSAHAN ni Rain or Shine big man Beau Belga ang kanyang titulo matapos magkampeon sa Obstacle Challenge sa PBA All-Star kahapon sa Calasiao Sports Complex sa Pangasinan.
Nakapagtala ng oras na 21 segundo si Belga sapat upang masikwat muli ang korona, 0.3 lang ang lamang nito kay second-placer Russell Escoto ng Columbian sa nasabing skills challenge.
Kahit nagkamali si Belga, naungusan pa rin nito si Bryan Faundo ng Meralco sa second round. Kinalos ni Belga si Kyle Pascual ng Magnolia sa oras na 17.2 seconds sa first round.
Bukod kina Belga at Escoto, umabante rin sa finals si Yousef Taha ng TNT at inirehistro nito ang 26.3 seconds.
Hindi nakapasok si five-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel sa second round matapos matalo kay Faundo sa first round.
Sa first round ng competitions, kailangan ng mga kalahok na ipakita ang kanilang talento sa obstacles, tinalo ni Taha si Nonoy Baclao ng Alaska; nanaig si Justin Chua ng Phoenix Pulse kay Marion Magat ng NLEX,; kinaldag ni Raymar Jose ng Blackwater si Mo Tautuaa ng NorthPort at pinagpag ni Escoto si Prince Caperal ng Barangay Ginebra.
Ibinulsa ni Belga ang P30,000 na premyo, pang-apat na taon nang nagkakampeon ang Elasto Painters sa nasabing event, nasilo ni guard Maverick Ahanmisi ang titulo noong 2016 at 2017. (ATD)





Comments