top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

31 artistang sugapa sa droga, ibulgar!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 30, 2019
2 min read

DAPAT PANGALANAN NA ANG MGA TAGA-SHOWBIZ NA TULAK AT SU­GAPA SA DROGA — Pabor sina PDEA Director Aaron Aquino at PNP Chief Gen. Oscar Albayalde na pangalanan na ang 31 artistang nasa kanilang druglist.

Noon pa dapat naisapubliko ang mga taga-showbiz na sangkot sa iligal na droga, pero hindi ito natuloy dahil naki­usap si Robin Padilla kay P-Duterte na huwag nang pangalanan ang mga artistang tulak at adik.

Sa totoo lang, dapat na talagang hu­baran ng maskara ang mga taga-showbiz na sangkot sa illegal drugs para malaman ng publiko na ang kanilang mga iniidolo ang tulak at sugapa sa iligal na droga, boom!

◘◘◘

HARASSMENT NG GOBYERNO KAY MARIA RESSA — Noong nakara­ang buwan ay inaresto si Rappler CEO Maria Ressa sa kasong cybercrime libel at nakalaya siya nang makapagpiyansa, pero kahapon, muli itong inaresto sa kaso naman na mayroong kinalaman sa Anti-Dummy Law.

Ang Rappler ay isa sa mga news orga­nization na nagbabalita sa katiwalian, human rights violation maling polisiya ng Duterte gov’t. kaya ang sunud-sunod na pag-aresto kay Ressa ay malinaw na harassment, period!

◘◘◘

NANG MASABIT SA ILIGAL NA DROGA SI YANG, HUGAS-KAMAY ANG MALACAÑANG, NANG SABI­HING HINDI NA RAW ITO ECONO­MIC ADVISER NI P-DUTERTE — Nang iba­lita noon ng Rappler ang economic adviser ni P-Duterte na si Michael Yang ay itinanggi ito ng pangulo, pero nang kumalat sa social media ang appoinment papers nito ( Yang) ay inamin din ng Malacañang na adviser nga ito ni P-Du­terte.

Ito na ang siste, nang ibulgar ni drug enforcer ex-police Col. Eduardo Acierto na drug lord si Yang, hugas-kamay agad ang Malacañang nang sabihing hindi na raw ito economic adviser ni P-Duterte, boom!

◘◘◘

PILIPINAS, SAGANA NA SA SHABU, SAGANA PA SA COCAINE — Bukod sa tone-toneladang shabu na naipupuslit sa Adwana, sangkaterbang pake-paketeng cocaine na rin ang “nala­lambat” sa da­gat.

‘Yan ang Pilipinas sa ilalim ng Duterte gov’t., sagana na sa shabu, sagana pa sa cocaine, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page