VOLCANOES, ‘DI PAAWAT SA PAGHAHANDA PARA SA SEAG
- A. Servinio
- Mar 29, 2019
- 1 min read

INAASAHAN na uusbong ng todo ang laro ng Rugby sa Pilipinas ngayong 2019. Tumitindi na ang paghahanda ng Philippine Volcanoes sa kanilang pagsabak sa mga malaki at mahalagang torneo sa pangunguna ng Southeast Asian Games.
Walang iba kundi gintong medalya sa SEAG ang asam ng Volcanoes na unti-unting sinasamahan na ng mga manlalaro na laking Pilipinas matapos ang ilang taon na umaasa sa mga Pinoy na naninirahan sa ibayong dagat. Maliban sa SEAG, lalahok din ang pambansang koponan sa HSBC Cathay Pacific World Series qualifier sa Hong Kong ngayong Abril 5 hanggang 7 at sa 2020 Tokyo Olympics qualifier sa Nobyembre sa Timog Korea bago ang SEAG.
Ayon kay Jake Letts na General Manager ng Philippine Rugby Football Union (PRFU) sa kanilang pagbisita sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel noong Martes, malaki ang posibilidad na makapasok ang Pilipinas dahil dalawang bansa galing sa Asya ang lalahok sa Olympics
Hindi pahuhuli ang mga Lady Volcanoes at asam din nila na makuha ang ginto sa SEAG.
Upang maghanda, lalahok din sila sa Asian Rugby Women’s Championships sa Hunyo at sa Trophy Series sa Indonesia sa Agosto. Nakatuon din ang pansin ng PRFU sa kinabukasan ng laro kaya kasama ang Santos Knight Frank ay patuloy pa rin ang kanilang programang “Get Into Rugby” upang makaakit sa mga kabataang edad 6 hanggang 16 na maglaro ng Rugby.





Comments