TABLE TENNIS SUPER LEAGUE UMARANGKADA SA LYCEUM

HABANG ipinagdiriwang ni President Rodrigo Roa Duterte ang kanyang ika-74 kaarawan kahapon, Marso 28, ang kanyang mga kababayan naman ay nakikipagsabayan sa 14 na rehiyon na best-of-the-best Super League Table Tennis sa Lyceum of the Philippines University kung saan ang dating Mayor ng Davao ay nagtapos ng political science na nakabase sa Intramuros.
Top 3 players sa rehiyon na hindi kasama ang ARMM, CAR at Region VII (Central Visayas) ang kalahok sa 5-araw na torneo na inorganisa ng Table Tennis Federation of the Philippines, Incorporated at sinuportahan ng Philippine Sports Commission para tumuklas na mga bagong manlalarong may potentials sa kanayunan at kakatawan sa ‘Pinas sa mga international table tennis competitions.
Ang mananalo ay kakatawan sa 2019 Southeast Asian Games kung saan ang table tennis kasama sa 56 sports ay lalaruin sa 11-day, 11- nation na lalarga sa Nobyembre 31 sa state-of-the-art New Clark City Sports Complex.
Ang mga national players ay naglaro kamakailan sa Southeast Asia Table Tennis na ginawa sa Bali, Indonesia.
Kasama sa mga kalahok sina SEA Games veteran Ryan Rodney Jacolo, Jann Mari Nayre, Rose Jean Fadol, Japheth Adasa, Sendrina Andrea Balatbat, at Emy Rose Dael.





Comments