top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Sa pagpapatuloy ng "war on drugs", mga estudyante kapkapan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 29, 2019
2 min read

RUMESBAK na si ex-PNP Colonel Eduardo Acierto.

Ito na ang totoong “giyera kontra droga”!

◘◘◘

SANGREKWANG shabu ang nakumpiska sa iba’t ibang lugar, kamakailan.

Maging si P-Digong ay nabahala!

◘◘◘

IDINEKLARA na ni NCRPO Chief General Guillermo Eleazar na lalong paiigtingin ang “giyera kontra droga”.

Target ng bagong kampanya ang mga estudyante na dapat maproteksiyunan!

◘◘◘

TINIYAK ni General Eleazar na susu­portahan nila ang DepEd sa planong kapkapan ang mga estud­yante.

Dahil kamakailan ay nahulihan ng ecstasy ang 2 estudyante mula sa exclusive school!

◘◘◘

MALAKING isyu sa eleksiyon ang illegal drugs kaya nakisabay si Acierto sa gitna ng kampanyahan.

Pero, malinaw na kakampi ni P-Digong ang mamamayan kasi nakapasok sa Magic 12 si dating PNP Chief “Bato” dela Rosa.

Meaning, mulat ang mamamayan sa isyu ng eleksiyon!

◘◘◘

BUMANAT naman ang isang opposition candidate na hindi epektibo ang “war on drugs” kasi marami pa rin daw nakukumpiskang epektos.

Pero, mulat ang mga residente na nawala ang adik at tulak sa kalye mula nang tumimbuwang ang mga pusakal na pusher at mapatay din mismo ang mga protector na pulis!

◘◘◘

NAG-LEVEL-UP na ang “war on drugs” kung saan pinatindi ng international mafia ang pagpapasok ng epektos sa Pilipinas.

Pero, naka-ready ang PNP at PDEA kaya nasabat ang kon­trabando sa iba’t ibang lugar!

◘◘◘

IMBES na batikusin o pigilin ang “war on drugs”, mas oks kung suportahan na lang si P-Digong laban sa pesteng ito.

Dahil d’yan, mahalaga ang resulta ng 2019 elections, dapat maihalal ang mga tagapagtaguyod ng “war on drugs”.

Dapat ding parusahan ng mga botante ang mga narco-politician!

◘◘◘

KAILANGAN ang mga epektibong batas upang maging epektibo ang “war on drugs”.

Marami pang dapat gawin ang mga awtoridad bago tuluyang masugpo ang mga iligal na droga.

Siyempre, kailangan din ang suporta ng mamamayan na pipili ng mga mas epektibong lider na gagawa at magpapatupad ng batas!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page