Preso nagbigti sa selda
PANGASINAN—Isang preso ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti, kamakalawa sa loob ng selda ng Asingan Police Station sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Noli Quirimit, may kasong acts of lasciviousness at residente sa nasabing bayan.
Nabatid na ilang kasamahang preso ni Quirimit ang nakatagpo sa naghihingalong biktima habang nakabitin at nakapulupot ng kumot ang leeg nito sa loob ng kinapipiitan niyang selda.
Kaagad dinala ng mga awtoridad si Qurimit sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments