top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

PCUP, handang magbigay ng libreng serbisyong medikal sa mahihirap na mamamayan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 29, 2019
  • 2 min read

HINDI lamang libreng medical at dental check-up ang maibibigay ng Presidential Commission for the Urban Poor o PCUP. Tumutulong din ito sa mga mahihirap na bata o matanda na mayroong kaso ng cleft palate o bingot, pagkabanlag, naputulan ng mga binti at iba pa.

Tanong: Magandang araw, Sir Alvin! Ako si Anita, taga-Mindoro. Mayroon akong anak na 10 taong gulang na naaksidente noong December. Naputulan siya ng isang binti. Napaoperahan na namin at naka-wheelchair siya ngayon. Gusto sana naming mag-asawa na mabigyan siya ng prosthetic leg para maipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral. Sana ay matulungan ninyo kami.

Sagot

Marami nang natulungan na maralitang pamilya ang PCUP na nag-avail ng medical assistance tulad ng libreng check-up at gamot tuwing may PCUP Caravan. Para sa inyong kaalaman, tumutulong din ang ating ahensiya sa mga kasong tulad ng kay Aling Anita na nagre-request para sa artipisyal na binti. Bukod dito, tumutulong din tayo sa operasyon ng mga batang may cleft palate, eye misalignment o pagkabanlag at iba pang karamdaman na nangangailangan ng surgery.

Bilang “direct link” ng maralita, ilalapit tayo ng PCUP sa mga partner natin na government agencies tulad ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Department of Health (DOH), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pa, mga Non-Governmental Organization (NGO) at international organization para kayo ay mabigyan ng assistance. Magsisilbi ito na tagapamagitan natin upang mapabilis ang pagproseso ng ating request.

Tandaan lamang na ang assistance na maibibigay ay nakadepende sa kayang i-offer ng ating katuwang na organisasyon. Huwag kayong mag-alala dahil ibibigay ng PCUP ang angkop at kayang solusyon sa inyong problemang medical.

Ang gagawin natin ay mag-request at sumulat sa PCUP sa nasabing contact details sa ibaba at hintayin ang tugon ng aming opisina. Tutulungan tayo ng ating mga kawani upang mapabilis ang inyong request.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page