Pamilya nalason sa butete

ISA ang patay, habang pitong iba pa ang naospital dahil sa pagkain ng nakalalasong butete sa Lapu-Lapu City, Cebu, noong Miyerkules.
Nabatid na biktima ng "puffer fish poisoning" ang Pamilya Casiao kung saan ang nabanggit na uri ng isda ang kanilang kinain sa agahan.
Sa inisyal na imbestigasyon, nasawi sa pagkalason ang limang taong gulang na lalaki pagkalipas ng pitong oras habang naisugod sa ospital ang kanyang ama, ina at limang kapatid. Una umanong nakaramdam ang pamilya ng pagsakit ng ulo at tiyan at pagsusuka matapos mag-almusal.
Samantala, bukod sa pulisya, iniimbestigahan na rin ng mga doktor sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) ang insidente. Nagtataka naman umano ang survivors sa pangyayari dahil dati na silang kumakain ng butete pero hindi naman sila nalalason.
Maaari umanong hindi tamang paglilinis at pagluluto ng butete ang dahilan ng pagkalason.





Comments