Pagbawal sa provincial buses sa EDSA, pinalagan

UMALMA ang grupo ng commuters na pawang Bicolano na nakabase sa Metro Manila laban sa nakatakdang ‘total ban’ ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga terminal ng bus sa EDSA na target ipatupad sa Hunyo 2019.
Ang hinaing ng grupo ay kanilang ipinahayag kay Ako Bicol Partylist Congressman Atty. Ronald Ang.
Nakatakda itong maghain ng resolusyon upang kuwestiyunin at pagpapaliwanagin ang MMDA kaugnay sa total ban ng mga bus terminal sa EDSA.
Ayon sa mambabatas, naka-draft na ang resolution at kapag nasa pinal na ito ay ihahain na ito sa Kamara.
Ang naging hakbangin ay dahil na rin sa maraming reklamong natatanggap ng kanyang tanggapan mula sa mga kababayan sa Bicol na kabilang sa tatamaan ng “provincial buses ban”.
Kamakailan ay inaprubahan ng Metro Manila Council (MMC), ang policy making body ng MMDA, na kinabibilangan ng mga Metro mayor na hindi na bibigyan ng business permit ang mga kumpanya ng bus na ang terminal ay matatagpuan sa EDSA.
Ibig sabihin, ban na sa EDSA ang mga provincial bus na ipatutupad ang dry-run sa Abril 2019.





Comments