Kahulugan na naho-homesick

Salaminin natin ang panaginip ni Winchelle ng Winchelle_Quizon@facebook.com
Dear Professor,
Madalas kong mapanaginipan ‘yung bahay namin sa probinsiya. Nakikita ko sa panaginip ang lahat ng parte ng bahay.
Naghihintay,
Winchelle
Sa iyo Winchelle,
Nasa malayo ka ba, iha? Malaki ang posibilidad na nasa malayong lugar ka dahil ang iyong panaginip ay nagsasabing naho-homesick ka. Ito rin ang napananaginipan ng mga nasa abroad nating mga kababayan. Maging ang mga taong kahit nasa bansa natin ay sobrang nakalimutan na ng may katagalan ang kanilang probinsiya na naging abala ang isip at katawan sa paghahanapbuhay.
Narito ang ilang magandang gawain habang ang tao ay nasa malayo o malayo ang isip nito sa kanyang bayang sinilangan kapag napanaginipan niya ang mga senaryo ng bahay sa probinsiya:
Makipag-ugnayan sa kapwa Pinoy, puwedeng maiksi o may kahabaang tsikahan. Puwede ring magkatuwaan sa pakikipagtsismisan.
Magsuot ng damit na madalas na ginagamit ng mga Pinoy.
Magluto ng mga pagkaing Pinoy.
Magsalita ng wikang Tagalog, Bisaya o kung ano ang dialect na ginagamit sa probinsiya.
Ang pakikipag-chat sa mismong mga kababayan na nasa Pinas ay sobrang mahalaga. Kahit pa ang kanyang mga sasabihin ay mga problema o mangungutang lang.
Mamasyal sa lugar na maraming Pinoy.
Magbasa ng balita o manood ng mga local TV broadcast.
Mag-drawing ng mga tanawin sa bansa natin.
Huwag na huwag kalilimutang magdasal sa wikang Tagalog o local dialect.
Huwag munang uuwi ng dahil lang sa naho-homesick.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments