Driver timbog sa shabu
Pabs Hernandez III
Mar 29, 2019
1 min read
LAGUNA—Isang tricycle driver ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu, kamakalawa sa Bgy. Dela Paz, Biñan City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Aldin John Tiamzon, nakatira sa Honoria Subdivision sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, isang sachet ng shabu at markadong pera ang nakumpiska ng pulisya sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments