Death penalty sa homosexual Muslims, start na
IPATUTUPAD sa susunod na linggo ang batas laban sa mga Muslim na masasangkot sa adultery at sex sa Brunei.
Sa ilalim ng bagong penal code, ‘death by stone’ ang parusa sa mga Muslim na mapatutunayang guilty sa same-sex relationship, adultery, sodomy at rape.
Gayunman, dahil iligal ang homosexuality sa Brunei, mayroong parusa na hanggang 10 taong pagkakakulong.
Ang naturang bansa ang kauna-unahan sa Asya na magpapatupad ng death penalty laban sa mga homosexual.
Samantala, bago rin ang parusa sa mga mapatutunayang nagnakaw kung saan puputulan ng kanang kamay sa first offense at kaliwang kamay para sa second offense.
Ang bagong penal code ay epektibo mula sa Abril 3, Miyerkules.





Comments