top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Campaign period sa local positions, arangkada na

Madel Moratillo
Mar 29, 2019
1 min read

SIMULA na ngayong araw, Marso 29, ang campaign period para sa mga kandidato sa lokal na posisyon sa May 13 midterm elections.

Nagpaalala rin ang Commission on Elections (Comelec) sa mga lokal na kandidato na baklasin ang kanilang illegal campaign posters, 72-oras bago umarangkada ang panahon ng kampanyahan.

Ang campaign period ay magtatapos sa Mayo 11, o dalawang araw bago ang aktuwal na araw ng halalan.

Kaugnay nito, kinumpirma naman ni Comelec Spokesperson James Jimenez na nagsasagawa na sila ng case build-up laban sa mga kandidato sa national positions na lumabag sa campaign rules.

Target aniya nila na makapagsampa ng kahit isang kaso lamang sa bawat rehiyon, depende aniya sa dami ng mga ebidensiyang kanilang makakalap upang suportahan ang reklamo.

Kumpiyansa naman ang opisyal na may sapat silang ebidensiya upang panagutin ang mga kandidato na lumabag sa campaign rules.

Sa kabila nito, aminado naman si Jimenez na hindi nila agad maisasampa ang mga kaso dahil kailangan itong dumaan sa tamang proseso. Bukod dito, abala pa rin aniya ang kanilang mga personnel sa paghahanda para sa araw ng halalan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page