top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ang laking iskandalo kung nagkataon… SIKAT NA FEMALE CELEB, HULI SA ENTRAPMENT SA CASINO, NAGBAYAD

  • Erlinda Rapadas T.
  • Mar 29, 2019
  • 1 min read

Blind Item:

TULAD ng naunang pahayag ng PDEA, maraming celebrities na nasa narco list ang kanilang masusing minaman­manan upang magkaroon ng sapat na ebidensiya na ma­kasuhan ang mga ito. Kaya, hindi raw basta-basta makapag-name drop ang PDEA sa mga celebrities na nasa hawak nilang listahan.

Pero, last year pa, kalat na kalat na at usap-usapan na isang sikat na female celebrity ang gumastos at nagbayad ng P6 million nang siya ay matukoy at ma-corner sa entrapment na naganap sa malaking casino.

Hindi umingay at hindi nag-leak sa media ang nasabing insidente dahil agad-agad daw na inayos ng sikat na female celebrity.

Malaking iskandalo ‘yun kung na-pick-up ng media lalo na’t maraming endorsements ang nasabing sikat na female celebrity na involved.

Balitang napakalakas ng padrino na nag-backup sa female celeb kaya nakalusot siya sa nasabing entrapment.

‘Yun nga lang, tumataginting na P6 milyon daw ang naging kapalit ng hininging pabor ng female celeb.

Indeed, doble ang perso­nalidad ng ma­gandang female celeb.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page