7 RACE CARRY OVER LAGARE SA SLLP WTA

HAHATAW ngayon ang pitong karera sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite, kasabay nito magaganap ang P858,215.02 carry over sa Winner Take All (WTA).
Sa Race 1, magsisimula ang WTA at magkakaharap ang 11 kalahok sa Group Race (10) at pinapaboran ang Play It Safe, Mighty Pride at White Chocolate. Susunod na arangkada ang Pick 6, pinapaboran ang couple entry na Plus at Court of Justice, laban sa Ten Ten Forty at Apo View sa Race 2.
Sa Race 3, magaganap ang labanan ng pitong kalahok at ipinapatok ang Words of Wisdom at posibleng talunin ng Reigning Jewel kasabay ng panimula ng Pick 5. Magaganap ang Pick 4 sa Race 4, pinapaboran ang Yes All Wee Bet, Silver Glow, couple entry na Digame at Breaking News. Magsisilbing parating ang Ready Set Go, Big Hook at Oktubre 14 sa Race 5.
Sa Race 6, dalawang mananakbo ang maglalaban sa pangunguna ng Only One at My Big Osh. Ipinapatok ang Universe na maglalaban sa Segundo ang mga kalahok na Twinkle Toes, Miss Marshall at Diamond Best sa Race 7. Tip ni Mang Ding: Race 1- White Chocolate (10) Play It Safe (4) Mighty Pride (11) Race 2- Entry No.2 Ten Ten Forty (5) Race 3- Words of Wisdom (6) Reigning Jewel (3) Race 4- Yes All Wee Bet (8) Silver Glow (7) Race 5- Big Hook (6) Ready Set Go (3) Race 6- Only One (7) My Big Osh (1) Race 7- Universe (7) Miss Marshall (5)





Comments