WOMEN IN SPORTS, CABALLERO, MILBY AT TAN SA 16TH TOPS
- BULGAR

- Mar 28, 2019
- 1 min read

MUNDO ng mga kababaihan sa Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) kung saan tatlong babae sa local sports ang tampok sa 16th “Usapang Sports” sa National Press Club sa Intramuros ngayong Huwebes, Marso 28.
Tatalakayin nina Philippine Olympic Committee (POC) deputy general-secretary Karen Tanchanco-Caballero, World Rugby Council member Ada Milby at Beach Volleyball Republic founder Bea Tan ang iba’t ibang isyu sa sports na kanilang kinabibilangan partikular na ang pag-host ng bansa sa 30th Southeast Asian Games sa Nob. 30 - Dis. 12.
Bisita rin sa two-part forum ay si Philippine national women’s basketball team coach Pat Aquino. Magbibigay update si Caballero sa kaganapan sa Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ng nakaraang linggo, maging sa plano ng Philippine Sepak Takraw Association na pinamumuan niya.
Ibabahagi naman ni Milby, team captain ng Philippine rugby team na nakasungkit ng bronze medal noong 2015 SEA Games, ang update ng sport sa bansa.
Si Tan, isa sa co-founders ng BVR On Tour ay tatalakay sa pinakahuling torneo kung saan niya naka-team up si Dij Rodriguez sa panalo mula sa Santa Fe Open sa Bantayan Island, Cebu, kamakailan.
Isang minutong dasal ang iaalay ng TOPS para sa ama ni Karen at dating PASTA head Mario Tanchanco na yumao nang nakaraang linggo. (MC)





Comments