top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Shoutout sa mga beshy natin diyan na wala pang ipon... TIPS PARA MAKA-SURVIVE SA MGA SALE NGAYONG DA

Justine Daguno
Mar 28, 2019
2 min read

KAUNTING kembot na lang ay matatapos na ang March, ibig sabihin, malapit na ulit ang payday! Yehey!

Karamihan sa atin, partikular sa kaba­baihan, pagsa-shopping ang isa sa ka­nilang mga stress-reliever. ‘Yung feeling na minsan, kahit hindi talaga natin kailangan, basta “cutie” ang isang bagay, eh, wapakels at bibilhin pa rin natin, agree? Hmmm…

Well, kasabay ng kabi-kabilang sale ngayon sa mga mall, tiangge, bazaar o ukay-ukay man ‘yan at bago pa natin maubos ang ating “extra money”, narito ang ilang tips para ma-survive natin ang mga nakalolokang sales:

1. MAKE A LIST. Oks na “weapon” ang listahan para maiwasan nating ma-trap sa pamimili ng mga “stupid item” o ‘yung mga bagay na binibili natin kahit hindi na­man kailangan. Makabubuti kung mag­kakaroon tayo nito kung saan ang mga bagay na kailangan o “priority items” lang ang nakasulat.

2. ASK YOURSELF, “WILL YOU USE IT?”. Sa mga beshy natin na madalas nabibiktima ng “sale”, tandaan na walang kuwenta ang salitang “sale”, lalo na sa mga item na hindi natin need sa life, kumbaga, keri pa rin nating mabuhay kahit wala ang ba­gay na ‘yun.

Bago bilhin, eh, tanungin muna natin ang ating sarili kung magagamit ba ta­laga ito nang pangmatagalan at kung hindi, eh, ded­mahin na lang natin, ganern!

3. TAKE ADVANTAGE OF DIS­COUNTS, BUT NEVER OVERLOOK THEIR VALUE. Kapag sale, napakara­ming items talaga ang naka-tag na mayroong malaking discount tulad ng 25%, 50% at minsan, 75% pa, gusto mo ‘yun? Ang mga ito ay super nakaa-attempt, pero bago tayo bumili, make sure lang na pasok ito sa priority items na nakalista sa listahan natin dahil kung hindi at naa-attract lang tayo, eh, dapat siguro hindi na lang muna natin ‘yun bilhin, gets mo, beshy?

4. LOAD UP AND BRING YOUR SHOPPING ARSENAL. Isa sa mga ma­gandang payo kapag maggo-grocery o mamimili tayo, eh, dapat nakakain o busog na tayo para maiwasan nating ma-distract at makapag-focus tayo sa mga bagay na bibilhin natin. Oks din na magsama tayo ng mga kaibigan para mabigyan tayo ng opinyon tungkol sa items na trip natin, okidoki?

5. TAKE YOUR TIME. Bago tayo pumunta sa cashier o magbayad sa mga ipi­namili natin, i-check muna natin ang items, hindi isa o dalawa kundi maraming beses. Pag-isipan muna nating mabuti para kung may kulang o kailangang bawasan, eh, magagawa natin, hindi ‘yung nakaalis o nasa bahay ka na bago mo ito mapansin, okay?

6. LOOK AROUND AND COM­PARE. Siyempre, dahil kabi-kabila ang “sale”, ibig sabihin, marami tayong choices o option at makatutulong ito para makapag-ikut-ikot at maikumpara ang mga presyo ng mga bagay na gusto nating bilhin. Dahil sa pag-iikot nating ito, malay natin may mas mura sa items na ‘yun.

Tandaan na walang masama sa pagsa-shopping, pero hindi tayo dapat magpadala sa “sale” dahil isa ito sa mga marketing strategy ng mga negosyante.

Maging matalino tayo sa paggastos dahil tulad ng madalas nating ireklamo, “hindi pinupulot ang pera, pinaghihirapan ito”.

Alam mo na, beshy, ha? He-he-he!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page