top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pulis binentahan | DALAGITA, 6 PA TIMBOG SA DROGA

  • Maeng Santos
  • Mar 28, 2019
  • 1 min read

PITONG hinihinalang sangkot sa iligal na droga kabilang ang 17-anyos na dalagita ang arestado sa ikinasang buy-bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Valenzuela Police Chief Sr. Supt. David Nicolas Poklay, alas-12:10 ng hatinggabi nang ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PCI Jowilouie Bilaro ang buy-bust operation kontra sa 17-anyos na dalagita sa Bgy. Ugong sa koordinasyon ng PDEA.

Matapos iabot ng dalagita at kasama na si Ernesto Rodriguez, 49, nasa drug watchlist, ang isang sachet ng shabu kay PO1 John Kenneth Terrenal na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P200 marked money, agad lumapit ang back-up na sina PO3 Gabby Migano at PO2 Alvin Olpindo saka inaresto ang mga suspek.

Nakumpiska sa dalagita ang coin purse na naglalaman ng apat na plastic sachets ng hinihinalang shabu at P800 bill habang nakuha naman kay Rodriguez ang buy-bust money.

Naaktuhan nina PO2 Reynaldo Dan Blanco, PO2 Francis Curesma at PO1 Dario Dehita na bumabatak ng shabu sa loob ng bahay na ginagawa umanong drug den sina Ruben Martin, Jr., 42, nasa drug watchlist, Flarifo Maranan, 23, Rex Calamdag, 26, Christian delos Santos, 35, at Christian Paulo Arbatin, 28.

Narekober ni PO2 Rolando Magno sa mga suspek ang dalawang plastic sachets ng hinihinalang shabu, isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng shabu at ilang drug paraphernalias.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page