top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

PIER, MAY TSANSA SA Q’FINALS, ACES YUKO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 28, 2019
  • 2 min read

BUHAY pa ang asam ng NorthPort Batang Pier na makalaro sa quarterfinals matapos nilang payukuin ang Alaska Aces, 94-84 kagabi sa 2019 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Nagtala si Sean Anthony ng 24 points at 17 rebounds habang bumakas si Stanley Pringle ng 21 markers para kargahin ng Batang Pier ang 4-6 record. Bakbakan sa unang dalawang periods, nakalamang lang ng tatlong puntos ang Batang Pier, 40-37 sa halftime.

Umalagwa ang NorthPort sa third quarter, hinawakan nila ang 11-point lead, 71-60 pagpasok ng fourth canto. Sumagitsit ng 14-0 run ang Aces sa pagbubukas ng payoff period, nakuha nila ang bandera, 74-71 matapos sumalpak si Jake Pascual ng lay up may 9:34 minuto pa sa orasan.

Pero naging matatag ang NorthPort sa endgame matapos silang pasanin nina Anthony at Pringle para makuha ang importanteng panalo. Nalasap ng Aces ang pang-pitong talo sa 11 laro.Samantala, tigil-laro muna sa PBA dahil sa All-Star weekend na magsisimula sa Linggo sa Calasiao Sports Complex sa Pangasinan.

Magsisidatingan ngayong araw sa Pangasinan ang mga PBA players na magpapasaya sa basketball fans, magiging tampok sa nasabing kasayahan ang paghaharap ng North at South All Stars.

Magkakaroon muna ng courtesy call sa alkalde ng Calasiao Municipal Hall ang PBA stars at saka isusunod ang motorcade at meet and greet sa Robinson’s at CSI Mall.Sisimulan sa Biyernes ang tatlong skills challenge - Obstacle, Three-Point Shootout at ang Slam Dunk contest. Si Big Beau Belga ang defending Obstacle course champion, James Yap ang kasalukuyang Three-Point shootout king habang si Rey Guevarra ang reigning Slam Dunk title holder.

Sa gabi ng Biyernes ang banatan sa pagitan ng Rookies/Sophomores at Juniors selection. May referees at basketball clinics kasama ang pagbisita sa mga barangay, medical center at orphanage bilang parte ng league’s Corporate and Social Responsibility (CSR) program. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page