top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Para sa mga beshy natin diyan na wala pang plano, read n‘yo ‘to! TIPS PARA SA NALALAPIT NA HOLY WEEK

  • DONNABELLS
  • Apr 2, 2019
  • 2 min read

NO plans for Holy Week? Oks lang ‘yan, mga besh, da­hil hindi pa huli ang lahat para ma­kapagplano kayo kung ano ang pu­we­de ninyong ga­win. He-he-he! Kaya na­man para hindi kayo masyadong mahi­rapan, narito ang ilang mga ba­gay na puwede nin­yong ga­win nga­yong Se­ma­na Santa:

1. GET A STAYCA­TION. Of course, dahil bakasyon, mainam kung ang bawat pamilya ay mag-i-staycation, hindi mahalaga kung malayo o malapit dahil ang impor­tante ay makapagrerelaks ang lahat at maipapa­hi­nga ninyo ang inyong katawan at isipan.

2. PARTICIPATING IN CHURCH. Kung aktibo naman kayo sa Simbahan na inyong ki­nabibilangan, maganda kung makikisali kayo sa mga aktibidad nila nga­yong Holy Week tulad ng senakulo at ma­rami pang iba.

3. DO NEW THINGS. Maganda kung bawat ba­kasyon ay iba-iba ang in­yong nasusubukan at na­gagawa. Kaya, what are you waiting for? Lu­ma­bas na kayo sa inyong com­fort zone. Hi-hi-hi!

4. TRY VISITA-IG­LESIA. Kung kayo ‘yung tipo ng tao na relihiyoso at mahilig mag-travel, for sure, magugustuhan ninyo ang Visita- Iglesia kung saan wala kayong ibang gagawin kundi ang mag­palipat-lipat ng Simba­han.

5. STAY AT HOME AND DO A MOVIE BINGE WATCH. Kung wala kayong budget at medyo tinatamad dahil sa init, puwede rin kayong manatili sa inyong bahay at du’n na lamang mag­pahinga habang nano­nood ng mga palabas na nababagay sa panahon.

6. DO “ALAY-LA­KAD”. Usung-uso rin ang alay-lakad lalo na sa mga beshy natin diyan na ginawa na itong tradis­yon, ‘yung iba dumadayo pa ng ibang lugar para ma­kapag-alay-lakad, may­roon ding umaakyat ng bundok at iba pa.

7. GO CAMPING. Siyempre, dehins mawa­wala ang pagka-camping dahil isa ito sa mga bagay na maganda para sa bu­hay ng tao dahil sa tuwing nagka-camping ay mas nai-improve natin ang ating disiplina at pagiging simpleng indibidwal.

8. LIMIT YOUR FOOD INTAKE. Dahil Semana Santa, marami sa atin ang magpa-“fasting”, kaya mainam kung lili­mitahan ang pagkain ng mga karne. Ngunit, hindi ito sapilitan, nasa sa inyo kung trip ninyo itong ga­win. Okay?

Oh, ayan, sana ay may nagustuhan kayo sa mga bagay na ito.

Make sure na susulitin ninyo ang Holy Week, mga beshy! Okie?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page