top of page

Maligayang pagtatapos sa mga matiyagang mag-aaral na hindi napagod mangarap

  • Win Gatchalian
  • Mar 28, 2019
  • 2 min read

PATAPOS na ang Marso! Ibig sabihin, libu-libong mag-aaral ang nagtapos at magsisi­pagtapos mula sa iba’t ibang antas sa mga susu­nod na buwan.

Ang graduation o commencement exercises ay ang araw na pinakahihintay ng lahat. Pinaka­ma­sayang sandali para sa mga magulang ang pagtatapos ng kanilang mga anak, habang para sa mga mag-aaral naman ay pinaghalong pa­nanabik, kaba, tuwa at kalungkutan na mahihi­walay ng panandalian sa kanilang mga kaibigan.

Mapapawi ang lahat ng hirap at pagod kapag narinig na ang tugtog ng “Aida March” dahil puno ng kaligayahan ang mga puso ng bawat isa.

“Unity in Diversity: Quality Education for All” ang graduation theme ngayong school year ng Department of Education (DepEd).

Mahalaga ang temang ito tungkol sa ating kul­tura dahil nabubuhay man ang bawat isa sa atin na may mga pagkakaiba-iba ng pinag­mulan, paniniwala at katayuan sa buhay ay maa­ari pa rin tayong mabuo at magkaisa para sa iisang layunin.

Ito ay walang iba kundi ang maghangad ng moderno, de-kalidad at napapanahong edukas­yon para sa bawat isa.

Siyempre, hindi mawawala sa pagtatapos ang Recognition Day kung saan dito ipinagka­kaloob ang mga medalya, sertipiko at trophy para sa mga awardee o mga estudyanteng mahu­husay, mababait o talentado na pararangalan tu­lad ng valedictorian, salutatorian, first o second honorable mention, top students, per­fect attendance, department awardees, loyalty award, outstanding boy scout at girl scout at ma­rami pang iba.

Sa ilang taong pamamalagi ng mga mag-aaral sa paaralan, hindi lamang kilay ang kanilang sinunog upang maabot ang tagumpay. “Hero” silang maituturing dahil hindi nauubusan ng la­kas para matapos ang mga deadline o pagsa­saliksik at panatilihing siksik, lalo na sa oras ng mga pagsusulit.

Sadyang ang pag-aaral ay nag-uumapaw sa mga karanasang sumubok sa kanilang kaka­yahan na nagbigay ng malaking ambag sa katau­han ng bawat isa.

Kung hero na maituturing ang mga estud­yante, superhero naman ang kanilang mga magulang. Walang katumbas na salita upang ma­bigyan ng karangalan ang mga magulang dahil sa kanilang sakripisyo maitawid lamang ang kanilang mga anak sa pagtatapos ng pag-aaral, gaanuman kahirap o kalayong abutin ito.

Kaya ngayong ga-graduate na sila, sino ba namang nanay at tatay ang hindi masasabik na umakyat sa entablado at marinig ang malakas na pagtawag sa pangalan ng anak?

Kayo ang pangunahing dahilan at inspiras­yon sa pag-aaral ng inyong mga anak, kaya naman ang inyong suporta at pagmamahal ay napakahalaga para sa kanila.

Sa mga kabataan, tandaan na ang pagtata­pos ay simula nang mas malaking hamon ng buhay, kaya baunin ang mga alaalang nabuo at natutunan sa paaralan.

Sana ay huwag saya­ngin at gamitin natin ang lahat ng ito para ma­pagtagumpayang maka­mit ang mga pangarap.

Maligayang pagtatapos sa Grade 6, Grade 12 at college graduates! Saludo kami sa inyong ibinuhos na husay at tiyaga ngayong taon.

Gayundin sa inyong mga magulang, taga­pag-alaga at guro na maituturing na bayani sa ka­nilang malaking partisipasyon sa inyong tagum­pay. Sa kanilang patuloy na gabay at suporta, thumbs-up kami sa inyo! Mabuhay kayong lahat!

May katanungan ka ba, reklamo o naisihingi ng tulong? Sumulat sa WIN TAYONG LAHAT ni Kuya Win Gatchalian, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City o mag-email sa surewin.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page