top of page
Pokwang.jpg

Local anti-jaywalking ordinances, hawak na ng MMDA

Gina Pleñago
Mar 28, 2019
1 min read

NAPAGKASUNDUAN kahapon sa ginanap na pag­pupulong ng Metro Manila Council (MMC) ang pagde-deputize sa mga ta­uhan ng Metropolitan Ma­nila Deve­lopment Authority (MM­DA) upang ipatupad ang traf­fic management code at ordinansa sa anti-jaywalking sa Metro Manila.

Mas magiging maigting na ang pagpapatupad ng anti-jaywalking policy sa mga lungsod ng Kamayni­laan.

Maaari nang manghuli ang MMDA anti-jaywal­king team ng mga jaywalker hindi lamang sa mga pangu­nahing lansangan sa Metro Manila kundi maging sa Ma­buhay Lanes.

Sa MMC meeting, na­pag­kasunduan nina MMDA Chairman Danilo Lim at ng mga lokal na opisyal na isa­ilalim sa seminar ang mga ta­uhan ng ahensiya para ma­ging pamilyar ang mga ito sa anti-jaywalking ordinances ng bawat siyudad.

Sa kasalukuyan, ang MMDA ay may sariling anti-jaywalking team na nag­papatupad ng polisiya.

Iniisyuhan ang mga lu­malabag ng citation tickets na may multang P500. Ma­aari namang magbayad o mag-community service ang mga mahuhuli.

Nakatakdang pirmahan ng mga Metro Manila mayor ang aprubadong resolusyon at ilalathala sa pahayagan bago tuluyang maipatupad.

Ang MMC na binubuo ng 17 alkalde sa Metro Ma­nila ay ang policy-making at governing body ng MMDA.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page