top of page
Pokwang.jpg

Home remedies para sa mababaho ang kilikili

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 28, 2019
2 min read

Dear Doc. Shane, Pinoproblema ko ang aking pawisin at medyo may amoy na mga kilikili ko. Ang sabi ng kapatid ko, mayroon daw mga produkto na maaaring gamitin para rito. Nang pumunta ako sa mall ay hindi ako nakabili dahil kulang ang budget ko. Bukod sa tawas, mayroon bang home remedies na maaaring magamit na hindi ganu’n kamahal? — Althea

Sagot Lahat tayo ay puwedeng magkaroon ng mabahong kilikili, anghit o putok lalo na ang mga taong pawisin.

Kapag mayroong pawis, lapitin ito ng bacteria na nagpapabaho ng katawan, partikular ang mga singit tulad ng kilikili.

Narito ang ilang paraan na maaaring makatulong para sa mabahong kilikili:

1. Baking soda — ang baking soda ay may kakayahang mag-absorb ng moisture sa katawan kaya nakasisipsip ito ng pawis. Mayroon din daw itong kakayahang patayin ang bacteria na sanhi ng mabahong kilikili.

Para gamitin ang baking soda na pantanggal ng mabahong kilikili, ipahid lang ito pagkatapos maligo.

2. Calamansi o lemon— ang calamansi ay anti-perspirant o nagpipigil ng pag-produce ng maraming pawis. Ikuskos ito sa mga kilikili pagkatapos maligo at hayaang matuyo. Maghintay ng 2-3 minuto pagkatapos ay banlawan.

3. Tawas— ang tawas ang pinakasikat na pantanggal ng anghit noong hindi pa uso ang mga deodorant. Hindi anti-perspirant ang tawas, pero nakapapatay din ito ng bacteria.

4. Apple cider vinegar o white vinegar — mayroon ding antibacterial properties ang apple cider vinegar kaya puwede itong gamot sa mabahong kilikili. Nagbabalanse rin ito ng Ph level ng kilikili kapag ipinahid.

Kung walang apple cider vinegar, puwede ang ordinaryong puting suka.

Mas mainam kung sa gabi magpahid nito bago matulog.

5. Dahon ng malunggay— ang katas ng dahon ng malunggay ay may chlorophyll. Ayon sa MMSNews, ang chlorophyll ay epektibong deodorizer na nakapagpapawala ng body odor at bad breath.

6. Dahon ng bayabas — ang pinaglagaan ng dahon ng bayabas ay gamot din para mawala ang amoy ng kilikili, pero mas effective itong vaginal wash, para matanggal ang masamang amoy ng ari ng mga babae.

Gayunman, ang bayabas ay may antibacterial properties. Aprubado ito ng DOH na halamang gamot para panlanggas sa mga sugat para hindi maimpeksiyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page