BATAAN AT SAN JUAN NAKAUNA SA FINAL 4 SEMIFINAL SERIES
- BULGAR

- Mar 28, 2019
- 1 min read

BATAAN — Nakasungkit ng kani-kanyang panalo ang host team Bataan at San Juan sa unang salang ng Final 4 series kontra sa kani-kanilang karibal noong Martes ng gabi sa People’s Center sa Balanga.
Nakaungos ang Risers sa fourth quarter rally ng Manila Stars bago nakuha ang 73-72 win at isang panalo na lang ang kailangan para makatuntong sa championship berth ng northern division.
Sa unang laro, bumida si Mac Cardona sa 14 ng kabuuang 25 points sa 4th quarter upang palakasin ang San Juan sa 94-86 win kontra Quezon City. “I’ll take any win, even if it’s ugly,” ayon kay Bataan coach Jojo Lastimosa, na nagrerelkamo ng ilang sablay sa officiating, kabilang na ang basket interference na tawag kay Aris Dionisio na nirebisa at ni-reversed sa jump ball situation, kumawala sa Risers ang 2 puntos at ibigay ang bola sa Stars dahil sa possession arrow.
Nakahinga nang maluwag si coach Lastimosa nang magwagi laban sa unang team na nanaig sa kanila noong 2018. Matagal din nilang hinintay ang tsansa na makabalik sa semis series at hindi na sila nagsayang ng panahon.
Nagpa-ampat sa pagdurugo ng Risers si Gab Dagangon at binigyan ang squad ng 71-67 na kalamangan, sa nalalabing 41 segundo. Nakakuha ng 2 free throw si Yvan Ludovice. Pero ang tres ni Dionisio ang nagpadikit sa Manila sa 2 puntos, 72-70, may 2 charities ang pinakawalan ni Pamboy Raymundo bago isinara ni Dionisio ang iskor sa final tally. (MC)





Comments