top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

35-anyos ginahasa

Pabs Hernandez III
Mar 28, 2019
1 min read

CAPIZ—Isang 35-anyos na babaeng retarded ang ginahasa ng hindi kilalang lalaki, kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Panay sa lalawigang ito.

Ang biktima ay itinago sa pangalang “Myra”, residente sa nasabing bayan.

Sa pahayag ng biktima, nag-iisa siya sa loob ng kanilang bahay nang pumasok ang hindi kilalang suspek at dito siya ginahasa.

Lumabas sa medico-legal na biktima ng panggagahasa si “Myra” at dahil dito, nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page