top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

‘Sanlaan’ na naganap sa pagitan ng ‘Pinas at China na hindi alam ng mga Pinoy, bad!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 28, 2019
  • 2 min read

BAD ANG GINAWA NG DUTERTE GOV’T. NA GAWING KOLATERAL ANG LIKAS NA YAMAN NG BANSA SA PAGKAKAUTANG SA CHINA—Sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na wala raw masama na gawing kolateral ng Duterte gov’t. ang likas na yaman ng Pilipinas sa pag-utang ng P3.6 billion sa China para sa mga pang-infrastructure project ng bansa.

Anong walang masama? Bad ang ginawa ng Duterte gov’t. kasi una, hindi ipinaalam sa publiko na may “sanlaan” palang naganap sa pangungutang sa China at pangalawa, P3.6 billion lang ang inutang tapos ang ginawang kolateral Reed Bank West Philippine Sea (WPS) ay nakapagpo-produce ng 5.4 billion barrel ng langis at 55.1 trillion cubic feet ng natural gas.

Ang pangamba nina Associate Justice Antonio Carpio at Bayan Muna senatorial candidate Neri Colmenares ay kapag hindi nakapagbayad ng utang ang Pilipinas sa itinakdang panahon ng China para sa bayad-utang ay posibleng angkinin na nito (China) ang Reed Bank, hu-hu-hu!

◘◘◘

IMBES NA SI MICHAEL YANG ANG I-PROBE SA ILIGAL NA DROGA, SI EX-COL. ACIERTO ANG IDINIIN SA ILIGAL NA DROGA—Ini-report pala noon ni Drug Enforcer ex-Police Col. Eduardo Acierto sa kanyang mga superior na drug lord umano si Michael Yang, ang economic adviser ni P-Duterte.

Ang masaklap lang, imbes na bigyang-pansin ng gobyerno ang kanyang ini-report ay si Acierto pa raw ang pinagbintangan ni P-Duterte na sangkot sa illegal drugs, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

TOTOO PALANG MAY BANTA SA BUHAY NI COL. ACIERTO—Sabi ni ex-Col. Acierto, matapos niyang ibulgar na drug lord si Michael Yang ay nakatanggap na raw siya ng pagbabanta sa kanyang buhay.

Ang banta sa buhay ni ex-Col. Acierto ay tila totoo kasi sa bibig mismo ni P-Du­terte nanggaling ang salita na kinuku­westiyon umano nito ang AFP at PNP kung bakit buhay pa raw si ex-Col. Acierto, susmaryosep!

◘◘◘

JUETENG SA PANGASINAN, “CLOSE-OPEN”—Balik-operasyon na naman daw ang jueteng ni “Lito Giyera” sa Pangasinan.

‘Yan ang jueteng sa jurisdiction nina Gov. Amado Espino at Col. Wilson Lopez, “close-open”. Buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page