top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Trike drayber todas sa jailguard

  • Levi Gonzales
  • Mar 27, 2019
  • 1 min read

PATAY ang tricycle driver matapos pagbabarilin ng aktibong miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology sa Bgy. Ibabang Dupay, Lucena City, Quezon.

Base sa ulat, alas-6:30 ng gabi, magkausap ang biktimang si Edgardo Flores, 30, may asawa, ng Bgy. Mayao Crossing at ang suspek na si Roderick Chavez, 46.

Makalipas ang ilang minuto, nauwi sa mainitang pagtatalo ang pag-uusap ng dalawa.

Umuwi sa kanilang tahanan ang suspek at bumalik na armado na ito ng baril.

Agad itong bumaril at nang makailag ang biktima at tumakbo, roon na niya ito hinabol at saka muling pinagbabaril nang makorner.

Nadala pa sa pagamutan ang biktima ngunit, binawian din ito ng buhay habang mabilis na nakatakas ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page