top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Sidecar boy ginilitan, utas

Mylene Alfonso
Mar 27, 2019
1 min read

TODAS ang sidecar boy makaraang gilitan ng hindi pa nakikilalang suspek, kamakalawa ng gabi sa panulukan ng Taft at President Quirino Avenues, Paco, Manila.

Hindi na naisalba sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Alberto Pellesco, 55, residente ng Anakbayan, Paco, Manila.

Batay sa imbestigasyon ni PO1 Camilo Ross Cunanan ng Manila Police District-Homicide Section, alas-7:10 ng gabi nang mangyari ang insidente sa nabanggit na lugar.

Ayon kay Jenelyn Bacon, miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), nagmamando siya ng trapiko nang makita ang biktima na tumatakbo sa gilid ng kalsada at hawak ang kaliwang leeg na may umaagos na dugo.

Ilang sandali pa, nakita niya ang biktima na bumagsak dahilan para tawagin ang atensiyon ng ilang pulis na nasa mobile at nasa kabilang kalsada para ipaalam ang sinapit ng biktima.

Naisugod pa ang biktima sa OSMA ngunit, idineklara itong patay alas-9:39 ng gabi.

Patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa krimen, gayundin ang pagkakakilanlan sa suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page