top of page
Search
  • BULGAR

Para mapagtakpan ang kapalpakan sa Scarborough Shoal | Tropang P-Noy, kinasuhan si Chinese Pres. Xi

BOBI TIGLAO / BANAT

ANG kapal din ng mukhang nitong si ex-DFA Sec. Albert del Rosario. Nawala niya at ng kan­yang among si dating Pangulong Benigno Sime­on “Noynoy” Aquino III ang Scarborough Shoal, ngayon ay pinagtatakpan pa nila ang kanilang kapalpakan.

Ang kasong isinampa ni ex-DFA Del Rosario laban kay Chinese President Xi Jinping sa Inter­national Criminal Court (ICC) ay isa lang mala­king panakip-butas. Nabistong sila ni ex-P-Noy ang dahilan ng pagkawala sa Pili­pinas ng isa sa mga teritoryo nito. Para maintin­dihan ng lahat ang isyu, kailangang magbalik-tanaw tayo.

Pitong taon na ang nakalipas mula nang magkagirian ang China at Pilipinas sa Scarbo­rough Shoal sa dagat sa may kanlurang bahagi ng ating bansa.

Ang lugar na ito ay maraming isda at mata­gal nang payapang nangingisda ang mga Pili­pino at Chinese. Tahimik ang lahat kumbaga, “share-share” hanggang sa dumating sa eksena ang mga dilawan.

Ang politika ni ex-P-Noy ay pro-US at anti-China. Lahat ng kilos at programa niya ay naka­dikit sa platapormang ito na nagnanais panati­lihing malakolonya ng US ang Pilipinas.

Noong Abril 2012, inutusan ni ex-P-Noy ang Philippine Navy (PN) na dalhin ang BRP Gre­gorio del Pilar (warship) sa Scarborough Shoal para arestuhin umano ang mga Chinese na mangingisda.

Siyempre, nagalit ang mga Chinese.

Una, dahil ang pagpapadala ng war­ship sa lugar ay aktong-militar. Hindi nakatu­long na alam ng lahat na ang BRP del Pilar ay “regalo” ng U.S. kay ex-P-Noy (second-hand lang ito).

Hindi naman armado ang mga Chinese na ma­ngingisda kaya hindi maintindihan ng ma­rami kung bakit nagsagawa ng “military act” si ex-P-Noy.

Ikalawang dahilan, mayroon din silang pag-aangkin sa Scarborough Shoal na tinatawag nilang Huangyan Island. Mayroon ding claim ang Taiwan sa lugar na ito.

Bilang sagot sa Pilipinas na nagpadala ng navy nito, nagpadala ang China ng maraming sibilyan na mga barko (hindi militar). Kumbaga, nag-“People Power” ang mga Chinese sa dagat para maprotektahan ang kanilang mga mangi­ngisda. Halos dalawang buwan din ang ten­siyu­na­­dong sitwasyong ito na ikinatakot na maaaring maging siklab para sa World War III.

Nagsimula na rin noon ang China na ipitin ang ating ekonomiya. Pasimple lang na kilos ang kanilang ginawa, halimbawa, ang paghuli ng export nating saging sa kanilang daungan, sinabi nilang kailangan daw nitong ma-qua­rantine.

Palagay natin, dito nagsimulang mag-panic sina ex-P-Noy at Del Rosario. Isang tunay na “AmBoy” kaya tumakbo si Del Rosario sa U.S. para humingi ng tulong. Akala siguro niya ay kolonya pa rin tayo ng U.S.

Hoy, Del Rosario, hindi tayo tutulungan ng U.S. kapag nagkaroon tayo ng giyera laban sa China. Numero-unong trading partner nila ang China at inuutangan pa nila ito. Hindi sila engot para magsimula ng World War III para lamang maibsan ang “ego” nina ex-P-Noy at Del Rosario. Ayon kay Del Rosario, inayos na raw ng U.S. ang “simultaneous withdrawal” o sabay na pag-alis ng dalawang bansa mula sa Scarbo­rough Shoal.

Pero, noong umalis tayo ay hindi naman umalis ang China sa lugar. Naisahan tayo ng U.S. at China. Sino ang nawalan sa masamang insidenteng ito? Walang iba kundi ang mga Pili­pinong mangingisda na nawalan ng hanapbu­hay at ang Republika ng Pilipinas na nawalan ng teritoryo. Sino ang may kasalanan, ang nang­gulo sa mapayapang lugar o ang nagtapon ng teritoryo natin? Walang iba kundi ang pro-US-tandem nina ex-P-Noy at Del Rosario!

Alam nang taumbayan ang buong kuwen­tong ito kaya sirang-sira ang dilawan sa mga botante dahil ayaw na ng mamamayan sa mga palpak na pamamalakad sa gobyerno tulad ng ginawa noon ng administrasyon ni ex-P-Noy.

Kahit ano pa ang gawin ni Del Rosario para “linisin” ang kanyang reputasyon ay sirang-sira na siya. Nabulgar na ang kanyang kapal­pakan, kahit mag-iingay pa siya sa ICC at sa buong mundo ay walang mangyayari.

Hindi pa ba niya nabalitaang hindi na mi­yembro ng ICC ang Pilipinas? Hindi na rin mi­yembro ng ICC ang U.S. at China kaya walang kuwenta ang kaso ni Del Rosario. Pam-PR na lang niya ito para sa dilawan, desperado na ito dahil wala nang nakikinig sa kanya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page