PAG-ANGAT SA STANDINGS, PAKAY PA NG LADY SPIKERS AT FALCONS
- BULGAR

- Mar 27, 2019
- 1 min read

BUMANGON buhat sa nalasap na ikalawang kabiguan sa kamay ng University of the Philippines ang sisikaping magawa ng defending champion De La Salle University sa pagpapatuloy ng kanilang kampanya sa second round ng UAAP Season 81 Volleyball Tournament ngayong hapon sa women’s division sa FilOil Flying V Center sa San Juan.
Makakatunggali muli ng Lady Spikers ang National University sa tampok na laban ng 4 p.m. kasunod ng unang salpukan sa pagitan ng University of Santo Tomas na gaya ng La Salle ay natalo sa kanilang unang laro sa second round kontra Adamson University ng 2 p.m.
Nagtataglay ng markang 5-3, panalo-talo at nasa 4-way tie sa ikalawang puwesto kasama ng kanilang tormentor ng UST at ng Far Eastern University, tatangkain ng Lady Spikers na makabalik sa winning ways sa pagsabak kontra Lady Bulldogs na pinahirapan din sila bago nila naigupo noong unang round.
Hangad ni La Salle coach Ramil de Jesus na malimitahan ng Lady Spikers ang kanilang errors partikular sa kanilang service na isa sa mga dahilan ng naging pagkatalo nila sa Lady Maroons. Laking panlulumo ni De Jesus sa naging performance ng Lady Spikers sa service box kontra UP kung saan nagbigay sila sa UP ng 17 puntos mula sa service errors. (VA)





Comments