top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

MAY MAPUPUNDI BA, MAPAPANIS, MALULUNOD O MALALASHENG?

  • Clyde Mariano/ATD
  • Mar 27, 2019
  • 2 min read

MALALAMAN ang kapalaran ng Alaska, North Port, at Meralco sa kanilang quarterfinal campaign sa isang krusyal na sitwasyon sa penultimate stage ng PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Sa laro ng “judgement day” maghaharap ang Aces at Batang Pier ng 4:30 p.m. at sasagupain ng Bolts ang No. 5 at already qualifier Barangay Ginebra ng 7 p.m. Tiyak magpapakamatay at hindi makakapayag ang Alaska, North Port at Meralco na matalo dahil kung mabibigo sila mapapaaga ang kanilang bakasyon at hihintayin na lamang uli ang Commissioner’s Cup para ipagpatuloy ang kanilang kampanya sa mailap na korona.

Papasok ang Alaska at North Port dala ang panalo at ang Meralco na natalo sa Alaska, 72-94 sa bagsak na kartadang 3-7. Nakuha ng Phoenix (9-2) at Rain or Shine (8-3) ang top two sa twice-to-beat advantage dahil natalo ang Talk ‘N Text sa North Port, 83-109 kaya lumagpak ang KaTropa sa 3rd place sa 7-4 record kasosyo ang defending champion San Miguel Beer at kinuha ng Beermen ang 7th win kontra Alaska, 114-96.

Dala ng Aces ang 4-6 record kasosyo ng NLEX ang North Port hawak ang 3-6 card at kailangang ipanalo ng Pier ang dalawa nilang natitirang laro kontra Aces at reigning Governor’s Cup champion Magnolia Hotshots sa huling araw ng elimination sa Abril 3 sa Big Dome.

Walang nakalalamang sa laro ng Aces at Pier at ang kanilang panalo ay depende sa performance nang kanilang players. Pangungunahan nina Chris Banchero, Jeron Teng, Kevin Racal, Carl Bryan Cruz, Chris Exciminiano, Simon Enciso at Sonny Thoss ang opensiba ng Aces at tatapatan sila ng mga bata ni coach Pido Jarencio sa pangugnuna nina Stanley Pringle, Sean Anthony, Paolo Taha, Jonathan Grey, Juan Nicolas Elorde, Bradwyn Guinto, at rookie Robert Bolick.

Walang mawawala sa Barangay Ginebra kundi prestige dahil pasok na ang Kings sa quarterfinals samantalang ang Meralco ay “do-or-die” ang laro at tiyak gagawin ni coach Norman Black ang lahat para mai-motivate ang kanyang mga manlalaro para manalo.

Man-for-man lamang ang Barangay Ginebra dahil sina twin towers Japeth Aguilar at Greg Slaughter ay walang kalaban sa low post at iyan ang malaking bentahe ni coach Tim Cone kontra Bolts.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page