Manila Water, nagsori na sa perhuwisyong idinulot ng water shortage, buti naman

HUMINGI na ng paumanhin ang Manila Water sa mga dumanas ng krisis sa tubig.
Mainam naman!
◘◘◘
INANUNSIYO rin ng east zone concessionaire ang bill waiver sa mga apektado ng kakapusan ng suplay.
Klap-klap-klap!
◘◘◘
EPEKTIBO ang bill waiver sa buwan ng Abril sa mga subscriber na kinapos ng suplay ng tubig noong mga nakaraang araw.
Aprubado ng MWSS ang naturang diskarte!
◘◘◘
ALAM ba ninyong aabot sa P150 milyon ang naturang bill waiver?
Paniwalaan-dili ito dahil ngayon lang ito mararanasan ng mga konsiyumer!
◘◘◘
INAMIN ni Ferdinand dela Cruz, ehekutibo ng Manila Water na mahigit 90 percent ng subscribers ang may sapat nang tubig.
Nagsimula ang rotational supply noong Marso 14 na sumapaw ang isyu sa election period!
◘◘◘
IGINAWAD ang prangkisa ng tubig sa Manila Water sa east zone dahil noong 1997 nang 26 porsiyento ng populasyon ang walang maayos na supply dahil sa dispalinghadong linya.
Talamak din ang pandaraya sa water meter at sangkatutak ang illegal connection!
◘◘◘
KUMALAT sa social media ang video clip na binasted ni P-Digong si Bingbong Crisologo na maitaas ang kamay.
Naganap daw ang eksena sa Zamboanga City noong Marso 3 nang biglang lumitaw sa entablado ang kongresista!
◘◘◘
NAIREKORD ang eksena ng Malacañang TV kung saan sinikap ni P-Digong na magpasensiya, pero napikon pa rin ang kongresista.
Sinermunan ng pangulo ang mga opisyal ng PDP-Laban na padrino ni Bingbong.
Kumbaga, na-"bimbang” sila!
◘◘◘
UMIIWAS daw si P-Digong na madamay sa mga “nakaraan” ni Bingbong bilang pulitiko sa kanyang lalawigan.
Maaari kasing maungkat ang istorya ng “Oras Centro at Ora Este” sa Bantay, Ilocos Sur!
◘◘◘
NAKALABOSO si Bingbong, pero nakalaya siya noong panahon ni dating Pangulong Marcos.
Ibig sabihin, ang mismong kalaban ni Bingbong sa politika ay ang kanyang “anino”!





Comments