top of page
Pokwang.jpg

Malacañang, todo-tanggol sa “drug lord” daw na economic adviser, buwisit!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 27, 2019
2 min read

MALACAÑANG, NAG-ALA-SPOKESMAN NG SUSPECTED DRUG LORD—Ibinulgar ni dating Drug Enforcer/Police Col. Eduardo Acierto na drug lord daw ang economic adviser ni P-Duterte na si Chinese National Michael Yang, imbes na paimbestigahan ay ipinagtanggol pa ito ng Malacañang sa pagsasabing hindi raw drug lord ang economic adviser ng pangulo.

Hay naku, may “pa-drug war-drug war” pang nalalaman ang gobyerno, pero heto at nagmimistulang spokesman na ng suspected drug lord ang Malacañang, buwisit!

◘◘◘

LUXURY VEHICLES AT CHOPPER KASI ANG SINASAKYAN NI GORDON KAYA WALA SIYANG PAKIALAM SA MGA RIDER—Sa kabila ng mga batikos mula sa mga rider, ipinagtanggol pa rin ni Sen. Richard Gordon ang batas niyang nilagdaan ni P-Duterte tungkol sa malalaking doble-plaka na ikakabit sa harap at likod ng mga motorsiklo.

Palibhasa, ang sasakyan ni Sen. Gordon ay luxury vehicles at minsan ay pa-chopper-chopper lang siya kaya hindi niya ramdam ang pangamba ng mga rider na madisgrasya sila sa kalsada dahil sa malalaking doble-plaka na ikakabit sa kanilang mga motorsiklo, period!

◘◘◘

KUNG KANDIDATO NGAYON ELEKSIYON SI SEN. GORDON, TIYAK “ZERO VOTES” SIYA SA MGA RIDER—Malakas ang loob ni Sen. Gordon na kalabanin ang mga rider ngayon kasi hindi siya kandidato sa pagka-senador.

Kapag nagkataong kandidato ngayon si Sen. Gordon, tiyak mamalasin siya at mas lamang ang talo niya kaysa panalo kasi paniguradong “zero vote” siya sa milyun-milyong botanteng riders.

Gayunman, may pagkakataon pa naman makaresbak ang mga rider kay Sen. Gordon dahil tatakbo ulit ito sa pagka-sendor sa 2022, boom!

◘◘◘

SABOG SA IPINAGBABAWAL NA GAMOT ANG MGA TUMA­TAYA SA RAKET NA VK NI ‘RICO’ SA BATANGAS CITY—Nagsisi­pagbatak daw muna ng shabu ang kabataan bago tumaya sa raket na video karera ni “Rico” sa Batangas City.

Kaya naman pala halos walang tulugan ang kabataan sa pagsusugal sa mga puwesto ng VK ni “Rico” kasi high pala sila sa droga.

Kailan kaya gagawa ng aksiyon sina Mayor Beverly Dimacuha at Col. Sancho Celedio para ipadakma si “Rico”? Abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page