Kandidato niratrat, utas

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ang isang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa Negros Oriental nitong Lunes ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Board Member Miguel Dungog, na dead-on-arrival sa ospital sanhi ng tig-isang tama ng bala sa ulo at katawan.
Ayon sa pulisya, dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo ang bumaril sa biktima alas-4:30 ng hapon sa Barangay Daro, Dumaguete City.
Si Dungog ay kasalukuyan ding presidente ng Philippine Councilors League Negros Oriental Chapter at umuupong ex-officio member ng provincial board.
Bago ang pamamaril, dinala umano ni Dungog ang kanyang apat na taong gulang na anak sa ospital.
Paglabas ng biktima sa ospital patungo sa kanyang sasakyan ay doon na ito pinagbabaril ng mga suspek.
Napag-alaman na si Dungog ay nakatakdang kumandidato bilang board member ng third district ng Negros Oriental ngayong 2019 Midterm Elections.
Posible umanong politika ang isa sa mga motibo sa paglikida sa naturang opisyal.





Comments