top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Grade 12 timbog sa droga

Maeng Santos
Mar 27, 2019
1 min read

APAT na hinihinalang sangkot sa iligal na droga kabilang ang Grade 12 student ang arestado ng pulisya sa magkahiwalay na barangay sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan Police Community Precinct (PCP) 7 Commander P/Captain Michael Noel Holgado, alas-2:00 ng Martes ng madaling-araw, nagsasagawa ng beat foot patrol sa kahabaan ng Blk 1 Libis, Bgy. 160 sina Pat. Roderick Siador at Pat. Sherwin Sibayan kasama ang mga barangay tanod nang mapansin ng mga ito ang tatlo katao na nag-aabutan ng hindi mabatid na bagay.

Nang lapitan ng mga pulis, mabilis na nagpulasan ang mga ito sa magkahiwalay na direksiyon na naging dahilan upang magkaroon ng habulan hanggang sa makorner sina Allen Derk, 20, at Berlin Andrade, 19, estudyante, kapwa residente sa Bgy. 160. Narekober sa dalawang nadakip ang dalawang sachets na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.

Alas-11:20 naman ng Lunes ng gabi nang respondehan ng mga tauhan ni PCP-2 Commander PCI Merben Bryan Lago ang nagaganap umanong alarm and scandal sa Guido Uno, Bgy. 33, Maypajo na nagresulta sa pagkakaaresto kina Carlito dela Rosa, 21, ng Bgy. 33 at King Melchor Cue, 30, ng Bgy. 12 na nag-aamok at gumagawa ng gulo.

Nang kapkapan, nakumpiska sa mga suspek ang dalawang sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page