Bebot na pinalalayas na ng dyowang tomboy

Dear Roma,
Ako si Ka, 26 years old. May dyowa akong tomboy limang taon na, kaya lang ngayon ay ayaw na niya sa akin dahil hindi na raw niya ako mahal. Sa totoo lang, ayaw kong makipaghiwalay sa kanya dahil sobrang mahal ko siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil wala na siyang pakialam sa akin. Sana, mapayuhan ninyo ako. — Ka
Ka,
Alam mo, sis, kung ayaw na sa iyo, huwag mo ng ipagpilitan pa ang sarili mo. Sa pagkakataong ito, mas isipin mo ang sarili mo, kung hindi ka na niya mahal dapat matutunan mo rin siyang hindi mahalin at kalimutan. Bata ka pa, marami ka pang makikilala riyan. Sa una, mahihirapan ka, pero magiging okay din ang lahat. Kaya mo ‘yan! God bless sa iyo!





Comments