top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Basagin ang ilusyon, huwag protektahan, ibulgar! Mga celebrity na iniidolo ng mga Pinoy, kung masasa

  • Ryan B. Sison
  • Mar 27, 2019
  • 1 min read

HALOS lahat ng mamamayan ay sumang-ayon sa pagsasapubliko ng mga pangalan ng mga taong nasasangkot sa iligal na droga.

Kaya naman nang marami ang natokhang at nailabas ang pangalan ng mga pulitiko na umaayon ngayong nalalapit na ang halalan, bakit ang pangalan ng mga celebrity hanggang ngayon ay patuloy pa ring iniimbestigahan?

Kailan mailalantad ang kanilang mga mukha at pangalan?

Huwag naman sana itong maibaon sa li­mot, kung paano isiniwalat ang mga pangalan ng mga pulitiko at kung paano pinatay ang mga taong sangkot sa iligal na droga ng walang ka­­laban-laban, gayundin sana sa mga sikat na artista na akala mo kung sinong mga maka­pangyarihan.

Dagdag pa rito, maraming sikat na artista o celebrity ang iniidolo ng mga tao, mapabata o kahit ng mga matatanda, imbes na maging mabuting ehemplo sila, eh, sila pa ang sumi­sira sa estado ng bansa dahil nakikisangkot sila sa mga masasamang gawain. Tsk!

At kung totoong sila ay sangkot sa iligal na droga, pagbebenta man o talamak na guma­gamit, may karapatan ang mamamayan, lalo na ang mga umiidolo sa kanila na malaman ang katotohanan!

Basagin ang ilusyon, huwag tayong magbulag-bulagan sa kanilang kasi­katan.

Kaya naman sa ngayon, hiling natin na maisiwalat na ang katotohanan at walang da­pat nakalulusot sa batas dahil lahat tayo ay pantay-pantay!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page