TV exec, napuno na… VICE, LATE LAGI SA IT'S SHOWTIME, NAKATIKIM KAY CHARO

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

TRENDING ngayon sa social media ang guesting ng ABS-CBN network executive at aktres na si Charo Santos sa noontime show na It’s Showtime para i-promote ang kanyang horror film na Eerie, kung saan ay kasama niya ang aktres na si Bea Alonzo.
Habang nagsasalita at ini-invite ni Charo ang madlang pipol na panoorin ang kanyang bagong pelikula, biglang napansin ng network executive-aktres na late na naman at wala pa ang Unkabogable Star na si Vice Ganda.
Aniya, “Bago tayo mag-exercise, may napapansin ako. Bakit may late na naman?”
Dahil dito, agad na ipinagtanggol ng mga It’s Showtime hosts si Vice at sinabing nag-aayos na ang komedyante sa dressing room.
Samantala, nauna nang kumalat sa social media ang video ng guesting ni Charo sa Tonight with Boy Abunda kung saan ay natanong siya kung ano ang sasabihin niya kapag may nakita siyang artista na nakapambahay na pumunta sa ABS-CBN building.
“Iha, ang laki naman ng bahay mo,” ang naging pahayag ni Charo na bagama’t istrikta ang pagkaka-deliver ay cute pa rin ang dating nu’n sa mga nakapanood.





Comments