top of page
Pokwang.jpg

TORNADOES, FIBR AT HD SPIKERS MAKAKARESBAK SA SUPERLIGA?

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 26, 2019
2 min read

WALANG pakay bumagal ng Foton Tornadoes dahil mapanganib ang pagharap nila sa laban kontra United VC sa Philippine Super Liga Grand Prix ngayong Martes sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Magsisimula ang aksiyon ng 7 p.m. dahil isang krusyal na panalo ang nais ng Tornadoes para muling buhayin ang kanilang kampanya sa prestihiyosong women’s club league. Target din ng Petron ang ika-12 sunod na panalo kontra sa Generika-Ayala ng 2 p.m. habang ang Cignal at PLDT Home Fibr ay magkakasukatan sa 4:15 encounter.

Hawak na ng Petron at F2 Logistics, dalawa sa pinakamahusay na team sa bansa ngayon, ang twice-to-beat edge sa quarter­finals at iwan na sa PLDT (7-5), Cignal (6-6) at United VC (5-5) ang ibang susunod na posisyon.

Nahihirapan ngayon ang two-time champion Foton. Matapos na magwagi sa opening day match kontra United VC, nakalasap na sila ng sunud-sunod na pagkatalo, kaya pinalitan si Selime Ilyasoglu ng Turkey ni Milagros Collar ng Spain habang ibinalik din sa line up si Dindin Manabat na katatapos lang maglaro sa V.Premier League sa Japan.

Pero olats pa rin ang Tornadoes at umislayd pa sa siyam na laro kaya kulelat sila sa team standings, 1-9 win-loss card.

“We hope to finally end our losing streak. Our lone win this conference is also against them (United VC) so we hope we can do it again on Tuesday,” ayon kay Foton coach Aaron Velez, na isasalang sina Collar, Courtney Felinski,

Elaine Kasilag, Maika Ortiz, Shaya Adorador at Manabat sa maniit na laro. Pero huwag silang kukurap sa United VC kahit natalo sa Generika-Ayala, 23-25, 25-21, 25-19, 25-27, 12-15, noong Huwebes.

Baka rumesbak ang United VC sa bisa ng prolific hitters na sina Kalei Mau, Yaas­meen Bedart-Gha­ni, na may 33 at 25 points sa nakara­ang laban. (MC)

Team Standings:

Petron 11-0

F2 Logistics 8-3

PLDT Home Fibr 7-5

Cignal 6-6

United VC 5-5

Generika-Ayala 4-7

Sta. Lucia 2-9

Foton 1-9

Laro Ngayon: (FilOil Flying V Centre)

2:00 p.m. - Generika-Ayala vs Petron

4:15 p.m. - Cignal vs PLDT

7:00 p.m. - Foton vs United VC

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page