top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Pekeng talent scout na nambibiktima ng mga babae sa FB, nabulgar!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 26, 2019
2 min read

PINAG-IINGAT ng kapulisan ng Manila Police District (MPD) ang publiko dahil sa modus ng mga pekeng talent scout na matapos makumbinse ang biktima ay kanila itong gagahasin kapag nakipagkita ang biktima sa mga demonyong suspek.

Ayon sa reklamo ng biktima na itago natin sa pangalang “Shane”, personal siyang nagtungo sa MPD Staion 1 upang pormal na magsampa ng reklamo laban sa suspek.

Napag-alaman na ang modus ng hinayupak na suspek ay ang pagpupumilit nitong makipagkita at makipagtalik kapalit nang hindi nito pagpapakita sa publiko ng mga umano’y maseselang larawan nito o video, susmaryosep!

Dagdag pang sumbong ng biktima ay nagsimula ang insidente nang makipag-chat ang biktima sa gagong suspek gamit ang Facebook account na na-hacked kung saan kunwaring isang babaeng talent scout ang suspek at inalok ang biktima na mag-costume ng anime kapalit ang P8-K.

Dahil nangangailangan ng pera, pumayag ang biktima na makipagkita sa napagkasunduang lugar ngunit, nagulat ito nang mabuking nitong lalaki pala ang kanyang kausap.

Dahil sa nerbiyos na gusto nang umatras ang biktima, nakumbinsi rin ng suspek ang biktima at dala ng takot ay napilit din itong makipagtalik.

“Gipit ako sa pera kaya pumayag ako sa paniniwalang totoo itong talent scout at lalaki pala siya kaya nakumbinsi niya ako at tinakot ako sa modus niya na ipakakalat ang pinanghahawa­kan niyang sex video ko raw kaya nagulat ako,” reklamo pa ng biktima.

Dahil sa pangyayari at reklamo ng biktima, nagsagawa ng surveillance operation ang mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Station 1 kaya nasakote si RJ Villanueva sa isang motel sa Tondo, Manila.

Ikaw kaibigan, anong sey mo? Ang moral lesson dito ay huwag basta maniniwala sa mga ka-chat ninyo sa social media dahil positibong mabiktima rin kayo ng mga halang ang kaluluwang nagkalat ngayon at namamayagpag. Ingat lang mga ka-BULGAR!

Laging tatandaan, walang manloloko kung walang nagpapaloko.

Ligtas ang may alam!

Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page