top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Panawagan sa lahat ng mamamayan, kabataang nakararanas ng depresyon, gabayan at tulungan!

Ryan B. Sison
Mar 26, 2019
1 min read

NAKALULUNGKOT dahil patuloy na na­daragdagan ang bilang ng mga batang nagpa­pakamatay ngayong taon.

Matatandaang, maraming bata ang nagpa­kamatay ng dahil sa pressure, stress, depres­yon at iba’t ibang klase ng problema tulad sa pamilya, pag-ibig, pag-aaral at marami pang iba.

Kaya para sa mga magulang, huwag nating i-pressure ang ating mga anak, lalo na kung tungkol lang ito sa kanilang grado sa eskuwe­lahan dahil sa totoo lang, ang mas importante ay mayroon silang natututunan at hindi lang matataas ang grado.

Gayunman, dahil iba na ang henerasyon ngayon, matuto rin tayong makibagay kung paano nila in-adapt ang mga paniniwala noong unang panahon, pakinggan din natin ang kanilang mga opinyon dahil kung madalas na­tin silang kokontrahin, tiyak na pagmumulan lang ito ng away na maaaring humantong sa kamatayan.

Samantala, hinihingi rin natin ang tulong ng gobyerno na sana ay makapag-isip sila ng solusyon para rito, lalo na ngayong hindi na nababase sa edad ang pagpapakamatay ng bawat tao.

Huwag nating hahayaang may mabiktima na naman dahil hindi tayo nag-isip ng paraan kung paano ito matutuldukan.

Mahalaga ang buhay, kaya nakapanghihi­nayang kung ito ay masasayang!

Kung mauubos o mawawala ang kabataan, sino na lang ang pag-asa ng bayan?

Isalba ang kabataan laban sa pagpapaka­matay!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page